Sanhi at Gamot sa Bad Breath (Halitosis)

Ano ang bad breath?

Ang bad breath o mabahong hininga ay tinatawag na halitosis sa terminolohiyang medikal at ay isang hindi kanais-nais na kondisyon para sa maraming tao. Nagmumula ang mabahong amoy sa bibig mismo, at ang dila ang kalimitang pinanggagaling ng mabahong hininga.

Ano ang sanhi ng bad breath?

Ang mabaho o hindi kanais-nais na amoy ng hininga ay karaniwang dulot ng mga mikrobyo na nasa ilalim ng dila. Itong mga bacteria na ito ay gumagawa ng mga kemikal na mabaho sa ating pang-amoy. Maaari ring magmula sa mga bacteria o mikrobyo sa iba’t ibang bahagi ng bibig ang bad breath, gaya ng mga espasyo sa gitna na mga ngipin, mga maruming pustiso o bahagi ng “braces” na hindi nalilinis. Maaaring mapalala ang bad breath ng pagkain ng mga pagkain na may matapang na amoy gaya ng bawang, sibuyas, karne,  o isda. Maaari ring mapalala ang bad breath ng paninigarilyo o pag-inom ng alak.

Ano ang lunas o gamot sa bad breath?

Dahil karamihan ng kaso ng bad breath o mabahong hininga ay nagmumula sa mga bacteria sa ilalim ng dila, ang pagsisipilyo sa dila ay ang pinakamabisang paraan upang magamot ang bad breath. Siguraduhin din na nasisipilyo ang iba pang bahagi ng bibig. Maaaring samahan ng mouthwash ang pagsisipilyo. Tandaan ng regular at kumpleto dapat ang pagsisipilyo para ito’y maging epektibo. Ang pagmumog gamit ang mouthwash bago matulog ay epektibo rin sa pagbawas ng mabahong hininga o bad breath. Ang pagnguya ng chewing gum ay maaari ring makabawas sa bacteriang sanhi ng bad breath sa pamamagitan ng pagpapadami ng laway sa bibig: ang laway ay nakakatulong sa paglinis ng bibig at nakakabawas sa bacteria.

Paano maiiwasan na magkaroon ng bad breath?

Ang regular na pagsisipilyo, regular na pagpapatingin sa dentist, at pag-gamit ng dental floss ay bahagi ng oral hygiene o kalinisan ng bibig at lahat ng ito’y nakakatulong para maiwasan ang pagkakaroon ng bad breath. Kaya panatilihing malinis ang bibig. Iwasan din ang paninigarilyo at mga matatapang na pagkain. Bigyang halaga ay iyong hininga!