Paano malaman kung may diarrhea?

Ang pagkakaroon ng diarrhea ay madaling natutukoy dahil lang sa mga sintomas na mararansan. Ngunit kung ang pagtatae ay tumatagal o kaya'y may kasabay na komplikadong sintomas, nararapat ang pagpapatingin sa doktor kung mayroong komplikasyon o iba pang mas seryosong karamdaman. Tandaan na kailangan angĀ  agarang lunas dito upang maiwasan ang dehydration. May ilang pagsusuri ang maaaring isagawa sa laboratoryo upang matukoy ang dahilan ng pagtatae o kaya naman ay matukoy ang pagkakaroon ng iba pang sakit. Ang ilan dito ay ang sumusunod:

  • Pagkuha ng presyon ng dugo upang matukoy ang pagkakaroon ng dehydration. Ang kawalan ng tubig sa katawan ang unang-unang dapat maagapan.
  • Eksaminasyon sa matubig na dumi. Tinitignan dito ang presensya ng mga parasitiko, at posibleng impeksyon ng bacteria at virus sa tiyan.
  • Pagsusuri sa kung positibo sa mga lason o substansya na maaaring indikasyon ng sobrang pag-inom ng gamot.
  • Pagsusuri sa dugo, o blood tests, upang matukoy kung may virus, o parasitiko gaya ng Giardia
Para naman sa mga malalalang kaso ng diarrhea, gaya ng pagkakaroon ng komplikadong sintomas, maaaring isagawa ang sumusunod:
  • X-ray sa ibabang bahagi ng katawan upang matukoy kung may problema sa mga bituka.
  • Endoscopy upang masilip ang loob ng tiyan at matukoy ang problema
  • Biopsy kung may makitang tumor at matukoy kung may sakit na kanser