Paano malaman kung may balakubak o dandruff?

Dahil obvious naman ang balakubak, hindi na kinakailangan ng mga eksaminasyon upang ma-diagnose ang isang tao na may balakubak. Sa totoo, hindi nga kailangang magpatingin sa doktor sa mga ordinaryong kaso ng balakubak.

Nagkakaron lamang ng pangangailangang magpatingin o eksaminin kung may ipa bang sintomas, gaya ng mga nabanggit natin sa naunang artikulo tungkol sa 'seborrheic dermatitis'.