Paano maka-iwas sa HIV o AIDS
Ang HIV o AIDS ay maaaring iwasan sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- Pag-iwas sa pakikipag-sex sa kung sino-sino. Isang katotohanan na ang mga taong nakikipag-sex sa kung sino-sino, maging sa babae o sa lalaki man, ay may panganib na mahawa ng HIV/AIDS. Kung kayo ay may asawa, dinadala nyo rin siya sa panganib kung patuloy kayo sa gawain na ito lalo na kung walang proteksyon (ikalawang bilang).
- Proteksyon (pag-gamit ng condom) pag nakikipag-sex. Dahil pakikipagtalik ang karaniwang sanhi ng pagkakahawa ng HIV/AIDS sa Pilipinas, ang pag-gamit ng condom habang nakikipag-sex ay napaka-halaga para makaiwas. Ang proteksyon ay dapat gamitin hindi lamang kung magpapalabas ng semilya, bagkos, sa buong pakikipag-sex. Ang pag-gamit ng condom ay dapat sa vaginal sex (pagpasok ng ari ng lalaki sa puwerta ng babae) at sa anal sex (pagpasok ng ari ng lalaki sa puwit ng babae o kapwa lalaki)
- Pag-iwas sa droga o bawal na gamot na tinuturok. Isa rin sa mga grupo na may panganib magkaron ng HIV/AIDS ay ang mga durugista na ang ginagamit ay karayom na nagtuturok ng bawal na gamot (gaya ng cocaine) para ma-'high'.