Paano makaiwas sa Bulutong o Chickenpox?

Gaya ng karamihang sakit na dulot ng viral infection tulad ng tigdas-hangin at tigdas, ang bulutong ay maaari lamang makuha isang beses sa buhay ng isang tao. Ngunit, sa pamamagitan ng bakunang (Varicella vaccine) ay maaaring tuluyang maiwasan ang pagkakaroon ng bulutong. Ito'y karaniwang unang ibinigay sa unang taon ng isang bata. May pangalwang turok na ibinibigay sa edad 4-6 para makasigurado sa proteksyon ng bakuna. Kung hindi ito nagawa, kahit sinong bata o matanda edad 13 pataas ay maaaring mabigyang ng dalawang turok ng bakunang ito, sa pagitan ng apat hanggang walong linggo. Magpunta sa klinika o ospital at magpakonsulta sa inyong doktor upang makakuha ng bakuna laban sa bulutong, kung may miyembro ng inyong pamilya na hindi pa nabibigyan nito. Tandaan na hndi parubado ang pagbabakuna sa mga buntis, indibidwal na may mahinang panlaban sa katawan, at sa mga taong may allergy sa gamot.