Sexually Transmitted Disease
Maituturing na taboo o isang paksang hindi malimit pag usapan ang mga sakit na nakukuha sa pagtatalik. Sa ating lipunan, kalimitang ikinakabit ang mga sexually transmitted diseases o STD sa mga taong imoral kung kaya marahil sa bulung-bulungan na lamang ito natatalakay. May nakakabit na ring "stigma" o takot ang mga may STD dahil sila ay maaring pandirihan o husgahan ng mga taong makakaalam.
Ayon sa Centers for Disease Control (CDC), ang mga nakakahawang sakit mula sa pagtatalik ay laganap sa mga kalalakihan at kababaihan na may edad 15-24 taong gulang at wala itong pinipili kung mayaman man o mahirap ang isang tao. Kalimitang walang sintomas ang STD ngunit ito ay madaling maipasa o makahawa. Kailangan lamang ng isang tyansa o pagkakataon upang maipasa ang sakit na ito.
Maraming klase ang kabilang sa mga sexually transmitted diseases. Ang sanhi ng mga ito ay maaaring mga viruses, mikrobyo (bacteria), parasito (parasites), o fungi.
Ilan sa mga STD na sanhi ng mikrobyo ay ang mga sumusunod:
- Chlamydia (Chlamydia trachomatis)
- Gonorrhea (Neisseria gonorrhea)
- Chancroid (Haemophilus ducreyi)
- Syphilis (Treponema pallidum)
- Genital herpes (herpes simplex virus)
- Genital warts o kulugo (human papillomavirus virus [HPV])
- Hepatitis B
- HIV/AIDS (human immunodeficiency virus [HIV virus] / Acquired Immunodeficiency Syndrome)