Mga Kaalaman Tungkol sa Sore Throat
Masakit ba o makati ang lalamunan mo? Nahihirapan ka bang lumunok? Maaaring may sore throat ka! Ang sore throat o pamamaga ng lalamunan ay hindi isang sakit – isa lamang itong senyales ng iba pang sakit na nagdudulot nito. Maaaring ito ay impeksyon na dulot ng virus o bacteria.
Ano ang sanhi ng sore throat?
Ang sore throat ay maaaring dulot ng virus o bacterial. Kung ito ay viral infection, ang sore throat ay maaaring dulot ng:- ang pinakakaraniwang sanhi ay Sipon,
- laryngitis o impeksyon sa larynx
- beke o mumps
- trangkaso o flu
- Strepthroat
- Tonsilitis
- Epiglotitis o impeksyon sa epiglottis
- Minsan, pati ang ilang sakit na nakukuha sa paraang sekswal gaya ng gonorrhea at chlamydia