Mga kaalaman tungkol sa Impatso o Indigestion
Ang impatso o indigestion sa Ingles, ay ang tumutukoy sa kondisyon kung saan nakararamdam ng sobrang pagkabusog, di kumportable, kabag na kadalasan ay humahantong sa pananakit ng tiyan. Ito ay kadalasang sintomas ng pagkakaroon ng ibang sakit sa digestive track gaya ng gastroesophageal reflux disease (GERD), ulcer o kaya'y sakit sa apdo o gall bladder. Tinatawag din itong dyspepsia.
Ano ang sanhi ng impatso?
Ang sakit na impatso ay maaring sanhi ng ilang bagay. Maaring ito ay sanhi ng ibang sakit, gamot na iniinom, o kaya'y hindi malusog na pamumuhay. Ang mga sakit na nakapagdudulot ng impatso ay:- Ulcer
- GERD
- kanser sa tiyan
- impeksyon sa tiyan
- sakit sa lapay o pancreas
- Aspirin at iba pang pain killer
- Mga contraceptives na iniinom
- Steroids
- ilang antibiotic
- Pagkain ng sobrang dami at mabilis
- Pag-inom ng alak
- Paninigarilyo
- Pagod at stress
- Maaari ding maikonekta sa depresyon at matinding pag-aalala