Mga kaalaman tungkol sa dengue fever
Ang dengue fever ay isang kondisyon dulot ng Dengue virus, na siya namang dala ng ilang uri ng lamok gaya ng Aedes aegypti. Ang mga pangunahing sintomas ng dengue ay mataas na lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng kasukasuan, at 'rashes' na kamukha ng nakikita sa tidgas. Ang malalang uri ng dengue fever, ang dengue hemorrhagic fever, ay nagdudulot ng pagdudugo sa iba't ibang bahagi ng katawan - ito ang kinakatakutang komplikasyon ng dengue sapagkat kapag hindi naagapan, ito'y nakakamatay. Sa kasalukuyan, walang gamot na pumupuksa sa virus na may dala ng dengue. Sa halip, sinisigurado na ang pasyente ay may sapat na tubig sa katawan at may sapat na 'platelet' upang laban ang pagdurugo.