Mga kaalaman tungkol sa Bulutong o Chicken Pox

Ang Bulutong o Chickenpox sa Ingles ay isang nakakahawang sakit na dulot ng Varicella zoster virus. Kilala ang sakit na ito sa pagkakaroon ng makating butlig-butlig sa balat na may lamang tubig at karaniwan sa mga kabataan. Ang mga taong nakaranas na ng bulutong ay kadalasang hindi na ulit magkakasakit ng ganito.

Ano ang sanhi ng bulutong?

Ang varicella zoster virus ang dahilan ng pagkakaroon ng sakit ito. Ang taong may bulutong ay maaring makahawa sa pamamagitan ng bahing o ubo, sa mga hinigaan at pinagpalitang damit, at maging sa tubig na lumalabas sa butlig at sugat. Ang virus ay maaring kumalat sa hanging at sa mga bagay na nahawakan ng taong may bulutong.

Sino ang maaring magkasakit nito?

Ang lahat ng indibidwal na hindi pa nabakunahan o kailan ma'y hindi pa nagkaroon ng bulutong ay maaring magkasakit nito. Bagama't ito ay pinakakaraniwan sa mga kabataan.