Ano ang gamot sa Singaw o Mouth Sores

Ang pagmumog ng tubig na may asin (saline solution) ay nakakatulong sa ilang mga uri ng singaw. Ang Hydrogen Peroxide (Agua Oxygenada) na ihahalo sa katumbas na dami ng tubig ay maaring ipahid sa mga singaw gamit ang cotton buds. Ang pag-iwas sa mga maiinit na pagkain at inumin at mga maaanghang at maaasim na pagkain ay nakakatulong na hindi lalong mairita ang singaw. May mga gamot sa singaw rin na maaaring bilhin sa botika. Magpakonsulta sa doktor para makakuha ng reseta sa mga gamot na ito. Para naman sa mga malalalang kaso, makabubuti ang paglalagay ng fluocinonide gel, anti-inflammatory amlexanox paste, o kaya'y chlorhexidine gluconate na pangmumog.

Mainam bang lagyan ng tawas ang singaw?

Totoong nakapagpapabuti ang tawas sa singaw. bagaman walang sapat na pag-aaral ukol dito, ito ay epektibo sa pagpapabilis ng paghilom ng singaw sa bibig.