Ano ang gamot sa Bulutong o Chickenpox?

Sapagkat ang bulutong ay dulot ng isang virus at kusang nawawala, hindi kailangan ng gamot sa mga karaniwang kaso ng bulutong. Ngunit mahalagang panatilihin ang kalinisan ng katawan habang may bulutong upang hindi maimpeksyon ang mga butlig. Iwasan ding mainitan, o pawisan sapagkat maaaring lumala ang pangangati sa mga sitwasyong ito. Mahalaga ring umiwas sa mga sanggol o kahit sinong tao na hindi pa nagkakaroon ng bulutong, upang hindi makahawa. Ang mga taong nakaranas na ng sakit na ito ay kadalasang hindi na ulit mahahawa. Sa mga ilang kaso ng bulutong na nagkaroon ng komplikasyon na dulot ng bacteria, maaring resetahan ng antibiotics. Maaari ding bigyan ng antihistamine upang maibsan ang pananakit at matinding pangangati ng balat.