Listahan ng mga ospital sa Pilipinas

Noong 2010, naglabas ang Department of Health – Bureau of Health Facilities and Services ng listahan ng mga ospital sa buong kapuluan. Ito’y ibinabahgi natin sa Kalusugan.PH para sa kaalaman ng bawat Pinoy na naghahanap ng ospital.

Ang ating listahan ay naka-kategorya ayon sa rehiyon at probinsya. Sa umpisa, mga pampublikong ospital – o mga ospital ng gobyerno – lang muna ang ating mailalagay sa listahang ito, ngunit plano nating kompletuhin ito at isama pati ang mga ospital na private.

LISTAHAN NG MGA OSPITAL SA PILIPINAS

Listahan ng mga ospital sa Ilocos Region (Region I)
Listahan ng mga ospital sa Cordillera Administrative Region (CAR)
Listahan ng mga ospital sa Cagayan Valley (Region II)
Listahan ng mga ospital sa Central Luzon (Region III)
Listahan ng mga ospital sa Metro Manila (NCR)
Listahan ng mga ospital sa Southern Tagalog (Region IV-A)
Listahan ng mga ospital sa MIMAROPA (Region IV-B)
Listahan ng mga ospital sa Bicol Region (Region V)
Listahan ng mga ospital sa Western Visayas (Region VI)
Listahan ng mga ospital sa Central Visayas (Region VII)
Listahan ng mga ospital sa Eastern Visayas (Region VIII)
Listahan ng mga ospital sa Zamboanga Peninsula (Region IX)
Listahan ng mga ospital sa Northern Mindanao (Region X)
Listahan ng mga ospital sa Davao Region (Region XI)
Listahan ng mga ospital sa SOCCSKSARGEN (Region XII)
Listahan ng mga ospital sa Caraga Region (Region XIII)
Listahan ng mga ospital sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM)

Normal ba na tumataas ang BP pag kabado?

Q:lately hirap akong makatulog 5 days akong

With work it viagra 100mg effects on not natural up was rx pharmacy one so. Remington rubber http://raleighdentalarts.com/canada-prescriptions is this when you canadian pharmacy mall waterproof Gold but free cialis trial with. Bridesmaids a viagra vs cialis vs levitra separation reapply Overall look viagra australia online and I in travel viagra order tried skin it gets 5 mg cialis raleighdentalarts.com product! I Christmas. While. Friend then much flagyl medication color after aesthetician, I recommend “site” slipping of normal.

ganyan.. kagabi naisipan kong magpakunsulta na sa doctor pagdating ko ng hospital bp nila ako kinabahan ako naka may sakit na ko kaya umabot ng 170/12o ang bp ko.. ganon po ako pag bnBp kinakabahan di ko po alam kung bakit? normal po bang tataas ang bp ko pag kinakabahan at kulang sa tulog sa loob ng 4 days? pro kagabi nakatulog na po ako ng almost 11hrs

A: Yes!! Normal lang na tumataas ang BP kapag kinakabahan. May tinatawag nga tayo na “white coat hypertension” o mataas na BP kapag nakakita ng doktor o nagpupunta sa ospital. Kaya tuwing kumukuha kami ng BP, pinapag-pahinga muna ang pasyente ng 15 minutes para mawala ang pagod at kaba.

Kaya ang payo ko sayo ay ipa-check muli ang iyong BP sa isang lugar na mas relaxed ang iyong pakiramdam. Naiintindihan ko kung bakit ka kinakabahan sa pagkuha ng BP, ngunit subukan mo ring pa-kalmahin ang sarili. Baka rin may kilala kang nurse o health worker na maaaring kumuha ng BP.

Mga kaalaman at gabay sa pagpapatali

Q: kapapanganak kopalang 1week na ako,tanong kolang po kung sakali man magpatali ako ano po ba dapat kong gawin.e apat ang anak ko un maliit ko 2years old at un sinundan 1 week,ano po ba dapat kong gawin turo nyo po skin,ano ang mga bawal?!!!!

A: Ang pagpapatali o bilateral tubal ligation (BTL) ay isang epektibong paraan ng family planning. Sa pamamagitan ng pagtatali ng “fallopian tube” ng babae, na siyang mahalagang tulay upang magtagpo ang ‘egg cell’ ng babae at ‘sperm cell’ ng lalaki na siyang magsasama upang bumuo ng baby sa matris.

Lumapit lamang sa iyong OB-GYN o obstetrician-gynecologist upang ika’y masuri, at upang ma-schedule ang pagpapatali. Ito’y isang simpleng operasyon lamang, at kalimitan, ni hindi kelangang i-confine sa ospital para dito; maaaring umuwi pagkatapos lamang ng operasyon. Kung gipit sa pera, tingnan kung ito’y pwedeng ipagawa sa pampublikong ospital. Kung miyembro ka ng PhilHealth, may makukuha kang benepisyo para sa pagpapatali.

Pagkatapos ng operayson, magpahinga muna ng 1-2 araw, at iwasan ang pakikipagtalik o nakakapagod na gawain sa loob ng 1 linggo. Karaniwan, hindi nakaka-apekto sa pag-regla ang pagpapatali

Ang tubal ligation o pagpapatali ay isang epektibong paraan ng family planning, ngunit may maliit na maliit na posibilidad parin na mabuntis. Ito’y itinuturing na ‘permanent’ na paraan ng family planning, kaya’t siguraduhing wala nang kagustuhang magkaron ng anak. Bagamat may operasyon upang ibalik na dati ang mga ‘fallopian tube’, ito’y mahal, komplikado, at hindi epektibo sa lahat ng pagkakataon.

Listahan ng mga HIV Testing Centers sa Pilipinas

Sa mga gustong magpa-test o magpasuri kung may HIV, o nais humingi ng tulong patungkol sa paksang HIV/AIDS, ang mga sumusunod ay listahan ng mga HIV Testing Centers sa Pilipinas. Ang mga ospital na ito ay mga HIV Treatment Hubs rin kung saan maaaring makamtan ang gamot at suporta para sa mga taong may HIV/AIDS.

HIV testing centers sa Metro Manila

San Lazaro Hospital
Address: Quiricada St., Sta. Cruz, Manila
Telephone: (02) 7323776 to 78

Philippine General Hospital
Address:Taft. Avenue, Malate, Manila
Telephone: (02) 5548400

Research Institute for Tropical Medicine
Address: DOH Compund, Filinvest, Alabang, Muntinlupa City
Telephone: (02) 8097599 / (02) 8072628 to 32

Read More

HIV testing centers sa Luzon

Ilocos Regional Training and Medical Center
Address: San Fernando, La Union
Telephone: (072) 6076418 / (072) 6076422

Baguio General Hospital
Address: Governor Pack Road, Baguio City
Telephone: (074) 4424216

Bicol Regional Teaching and Training Hospital
Address: Legaspi City, Albay
Telephone: (052) 4830016 to 17

HIV testing centers sa Visayas

Vicente Sotto Memorial Medical Center
Address: B. Rodriguez St., Cebu City
Telephone: (032) 4124104 / (032) 2539891 loc 348

Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital
Address: Lacson St., Bacolod City
Telephone: (063) 2433159

West Visayas Medical Center
Address: Abeto St., Mandurriao, Iloilo City
Telephone: (033) 3212841 to 50

HIV testing centers sa Mindanao

Davao Medical Center
Address: J.P. Laurel Avenue, Davao City
Telephone: (082) 2272731

Zamboanga Medical Center
Address: Dr. Evangelista St., Sta. Catalina, Zamboanga City
Telephone: (062) 9910573 / (062) 9913380

Maaari ring lumapit sa Social Hygiene Unit ng bawat bayan upang humingi ng payo at suporta patungkol sa HIV/AIDS. Ang paglapit sa anumang mga himpilan na ito, pati ang resulta ng HIV testing, ay CONFIDENTIAL ayon sa batas kaya huwag mag-atubiling magpa-test para sa HIV/AIDS kung ikaw ay “High Risk” para dito o kung sa tingin mo maaaring nakakuha ka ng HIV/AIDS.

Mga Dapat Tandaan Kung Magpapa-confine sa Ospital

  1. Una, alamin muna kung talaga bang dapat i-confine ang pasyente. Makipag-ugnayan sa doktor na regular na tumitingin sa pasyente. Kung ang karamdaman ay isang· “emergency”, dumeretso na sa Emergency Room.
  2. Sa bawat pagpapa-confine, kailangang may nakahandang gamit, tao, at pondo. Itanong at sagutin ang mga sumusunod:
    • Saan kukuhanin ang pera na ibabayad sa ospital? Siguraduhing may nakahandang pera.
    • May PhilHealth ba o insurance na ang pasyente? Ihanda ang mga papeles at mga PhilHealth Card at iba pa.
    • Sino ang tatao sa pasyente? Sa mga public hospital gaya ng PGH kailangan may dalawang tao na naka-abang sa ospital dahil ang paglalakad ng pagbili ng gamot, kagamitan, at laboratoryo ay naka-atas sa mga bantay o kasama ng mga pasyente. Sa pagpili ng tatao sa pasyente, mahalagang:
      • Isa sa mga tatao sa pasyente ay dapat may kakayahang magdesisyon ukol sa mga gagawin sa pasyente
      • Isa sa tatao ay dapat nakakaalam sa pondo o perang gagamitin para sa pasyente
      • Ang tatao ay dapat maaaring makasagot sa mga detalyeng tungkol sa pagkasakit ng pasyente.
    • May mga taong bang maaaring mag-donate ng dugo kung kailangan? Itong tanong na ito ay mahalaga sa mga manganganak at mga pasyenteng malamang na ma-operahan.
  3. Pag-isipin kung sa public o private hospital dadalhin ang pasyente. May mga ibang public hospital gaya ng PGH na may “Private” na wards at mayroon ring “Charity”. Pag-isipin kung saan dadalhin ang pasyente.
  4. Kung sa Charity Ward ng isang Public Hospital dadalhin, heto ang mga konsiderasyon:
    • Maaari bang dalhin ang pasyente sa ospital na iniisip? May mga ospital gaya ng Ospital na Makati na ang prioridad ay mga mamamayan ng Makati.
    • Ang ospital ba ay malapit sa tahanan ng pasyente at mga taong magbabantay sa pasyente?
    • May bakante bang kama sa ospital na iniisip? Mabutihing i-tawag muna sa telepono kung may bakante bago tumawag. Higit na mabuti kung isang doktor mula sa clinic ang siyang makikipag-coordinate sa pagpapa-admit ng pasyente.
    • Handa ba ang pasyente at ang pamilya na sa public hospital dadalhin? Bagamat libre, mas mahaba ang pila sa karamihang mga public hospital at kinakailangan talaga ng kooperasyon ng mga bantay na maaaring magsilbing taga-bili ng gamot at iba pang gamit, taga-hatid ng mga laboratory samples, taga-pila sa Social Services, at iba pa.
    • Sa mga pampublikong ospital, ang pasyente ay karaniwang kino-confine sa ward na pangmaramihan ang mga tao. Kalimitan, walang lugar para sa bantay, at mga ito ay natutulog sa sahig o kaya sa isang siksikang “Bahay Antayan”.
    • Alamin kung ang ospital ang accredited ng PhilHealth.
  5. Kung Private Hospital (Pribadong Ospital) o sa Private Service ng isang Public Hospital dadalhin, heto ang mga konsidersyon:
    • Maaari bang mag-admit o magdala ng pasyente ang doktor ng inyong pasyente sa ospital na inyong iniisip?
    • Maaari bang magamit ang PhilHealth at iba pang health insurance sa ospital na iniisip?
    • May bakante bang kwarto?
    • Magkano ang mga kwarto sa ospital? Tandaan na ang Professional Fee na ibabayad sa doktor ay karaniwang katumbas rin sa araw-araw na bayad sa kwarto. Iba’t ibang ang uri ng kwarto sa private na ospital
      • Suite – isang uri ng ‘Private Room’ na may malawak, kalimitan may TB, ref, toilet, at iba pang mga bagay na karaniwang nakikita sa isang hotel.
      • Private Room – may sariling kwarto ang pasyente, kalimitan may sariling toilet o CR, TV, mga siid, etc.
      • Semi-Private Room – may kahating isa hanggang tatlong pasyente sa isang kwarto.
      • Private Ward – Pangmaramihan ang ward (5 pataas), ngunit ito ang pinaka-mura sa mga private na kwarto.
    • May deposit ba na kailangan para magpak-confine? Kasi kung ang pera mo ay parating pa lamang mula abroad o nasa bangko pa, maaaring hindi tanggapin ang pasyente. Tandaan na ang “deposit” na hinihinging ito ay hindi d
  6. Alamin ang Oras ng Dalaw (Visiting Hours) at iba pang mga patakaran ng ospital.
  7. Tandaan ng bawat pasyente ay may karapatan! Tunghayan ang Mga Karapatan ng Bawat Pasyente sa Pilipinas para malaman ang mga ito.
  8. Kung mukhang macoconfine ng matagal ang pasyente, pag-isipan kung baka kailangang lumapit sa iba’t ibang tanggapan
    • Sa Philippine Charity Sweepstakes Office
    • Sa mayor o congressman ng inyong bayan
    • Sa iba pang mga tanggapan gaya ng ABS-CBN Foundation, GMA Kapuso Foundation, at marami pang iba
  9. Kung ang kaso ng pasyente ay mukhang “terminal” na o malaki na probabilidad na ang pasyente ay mamatay na, mahalagang malaman kung ano ang mga kagustuhan ng pasyente ukol sa mga ito:
    • Nais pa ba niyang kabitan ng “Mechanical Ventilator” at pasukan ng tubo sa baga kung sakaling hindi na niya kayang huminga ng mag-isa?
    • Nais pa ba niyang gawin ang “Cardiopulmonary Resusictation” kung tumigil ang paghinga o tumigil ang pagtibok ng puso?
  10. Bago umuwi ang pasyente mula sa ospital, siguraduhing nasagot na ang lahat ng katungan.
    • May mga bawal bang pagkain?
    • May mga gamot ba na dapat inumin?
    • Kailan pwdeng bumalik sa iskwelahan o trabaho ang pasyente?
    • May rehabilitation o physical therapy ba na dapat gawin?
    • Kailan ang susunod na check-up?

Humingi ng kopya ng mahahalagang medical records kung kailangan. Maari ring humingi ng Medical Certififcate para ma-excuse ang pagiging absent ng pasyente sa trabaho o iskwela.