Alternatibo para sa mga pagkain na mataas sa nakakasamang cholesterol (LDL)

Dahil ang pagtaas ng lebel ng nakakasamang cholesterol o low-density lipoprotein (LDL) ay tiyak na may masamang dulot sa ating kalusugan, marapat lang na limitahan o umiwas na sa mga pagkain na mayaman dito. Upang matagumpay na maiwasan ang mga pagkaing makadaragdag ng LDL sa katawan, huwag kaligtaan ang mga alternatibong pagkain para sa mga ito.

alternatibo pagkain choleserol

Upang madagdagan ang kaalaman tungkol sa kaibahan ng mabuti at masamang cholesterol, gayundin sa mga pagkain na mayaman dito, basahin ang mga sumusunod na artikulo:

Ang masama at mabuting cholesterol

Bahagi na ng kultura natin na basta marinig pa lang ang salitang “cholesterol” ay todo na kung makaiwas. Iniisip kaagad na basta cholesterol, kadikit na kaagad nito ang mga sakit sa puso. Ngunit kaiba sa paniniwalang ito, hindi lahat ng cholesterol ay dapat iwasan at nakakasama sa kalusugan. Laging tatandaan na may dalawang uri ng cholesterol, ang isa ay masama, at ang isa pa ay mabuti. Kinakailangan ang tamang balanse sa pagitan ng dalawang uri ng cholesterol na ito upang magkaroon ng masigla at malusog na pamumuhay.

Upang mas maintindihan kaibahan ng mabuti at masamang cholesterol, narito ang depinisyon ng mga terminong medikal.

Low-density Lipoprotein (LDL)

Ang low-density lipoprotein o LDL, o mas kilala bilang masamang cholesterol, ang siyang dapat iwasan o limitahan sa mga pagkaing kinakain. Ito ang kilalang nagdudulot ng iba’t ibang sakit sa ating katawan partikular sa mga ugat ng dugo. Kung tataas nang husto ang lebel ng LDL sa katawan, maaaring mamuo ito sa mga ugat at magdulot ng pagbabara na hahantong naman sa stroke o atake sa puso.

Basahin kung sa anong mga pagkain maaaring makuha ang masamang cholesterol. Pagkain na mayaman sa masamang cholesterol.

High-density Lipoprotein (HDL)

Kabaligtaran ng LDL, ang HDL o high density lipoprotein, o mabuting cholesterol ang nagpapababa naman ng posibilidad ng pagkakaroon ng mga karamdaman. Hinihigop o iniipon nito ang masasamang cholesterol sa katawan at iniiwan sa atay upang mailabas ng katawan. Kinakailangan ang mataas na lebel na HDL upang manatiling malusog at masigla.

Basahin ang mga pagkain na makukuhanan ng mabuting cholesterol. Pagakin na nakakababa ng masamang cholesterol.

Kahalagahan ng Pagsuri sa Lebel Cholesterol sa Dugo

Isa sa mga laging binabantayan sa pagsusuri ng dugo ay ang lebel cholesterol. Ang pagsusuring ito ay mahalaga lalo na sa pagbabantay sa panganib ng pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng karamdaman gaya ng stroke at atake sa puso. Ginagawa ito upang matukoy kung nasa ligtas pa o nasa delikadong lebel na ang masamang cholesterol sa katawan. Ang sumusunod na mga sukat ang pinagbabatayan kung nasa ligtas, nasa kalagitnaan, o nasa panganib na ang lebel ng cholesterol sa katawan.

  • Low-risk o mababang panganib: 200 mg/dL o mas mababa pa
  • Borderline risk o kalagitnaan: 200-240 mg/dL
  • High-risk o nasa panganib: 240 mg/dL o mas mataas pa

Ang mabuti at masamang cholesterol sa katawan

Bagamang mahalaga ang pagsusuri sa lebel ng cholesterol, dapat ding isaalang-alang ang pagbabantay sa balanse ng mabuti at masamang cholesterol sa katawan. Halimbawa, kahit nasa borderline o kalagitnaan lamang ang lebel ng cholesterol sa dugo, pero higit na mas mataas naman ang masamang cholesterol  kaysa sa mabuting cholesterol, ang pasyente ay maaaring i-konsider pa rin na nasa panganib o high-risk sa pagkakaroon ng sakit.

  • Ang pagkakaroon ng higit sa 50 na lebel ng high-density lipoprotein (HDL) o mabuting cholesterol ay maituturing na mabuti para sa kalusugan.
  • Ang pagkakaroon ng mas mababa sa 130 na lebel ng low-density lipoprotein (LDL) o masamang cholesterol ay maituturing na ligtas.
  • Ang pagkakaroon ng 130 hanggang 160 na lebel ng low-density lipoprotein (LDL) o masamang cholesterol ay maituturing na nasa borderline o kalagitnaan.
  • Ang pagkakaroon ng higit sa 160 na lebel ng low-density lipoprotein (LDL) o masamang cholesterol ay maituturing na delikado at nasa mataas na panganib.

 

 

Mga Pagkaing karaniwang sanhi ng kabag o hangin sa tiyan

Ang pagkakaroon ng hangin sa tiyan ay isang pangkaraniwang kondisyon na kilala ng lahat bilang kabag. Bagaman wala naman itong seryosong epekto sa kalusugan, maaaring makapagdudulot pa rin ito ng di kumportableng pakiramdam na maaaring makaapekto pa sa pagiging produktibo ng isang tao. Bukod pa sa pananakit ng sikmura, maaaring mapadalas din ang pag-utot na mararanasan.

Ang pagkakaroon ng kabag ay kadalasang maisisisi sa mga uri ng pagkain na kinakain ng isang indibidwal. Kaya naman kung nakakaranas ng madalas na kabag, mabuting bawasang ang pagkain sa mga pagkaing ito. Narito ang ilang mga pagkain at inumin na maaaring maka-kontribyut sa pagkakaroon ng kabag.

1. Soda

Alam naman natin na ang mga inuming soda o mga carbonated drink ay may taglay na hangin. Ang bawat lagok ng inuming ito ay maaring laging may kasunod na dighay. Mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng kabag kung hindi mai-didighay ang hangin na taglay ng inuming ito.

2. Broccoli at Cauliflower

Ang mga gulay na broccoli at cauliflower ay may taglay na natural na asukal na kung tawagin ay raffinose. Ang asukal na ito, na makikita sa maraming uri ng gulay, kapag natunaw sa mga bituka at sikmura ay makapaglalabas ng hangin sa tiyan at magreresulta sa pagkakaroon ng kabag.

3. Kamote

Kilala ang kamote sa reputasyon nito na nakapagdudulot ng madalas na pag-utot. Gaya rin ng ibang gulay, taglay din ng kamote ang asukal na raffinose na nakakadagdag hangin sa tiyan.

4. Mansanas

Marami sa mga prutas na kinakain natin, halimbawa na lang ang mansanas, ay may taglay naman na natural na asukal na sorbitol Ang asukal na ito ay nakapagbibigay din ng karagdagang hangin sa tiyan kung matutunaw.

5. Gatas at mga produktong gatas

Ang lactose naman asukal na makikita sa mga gatas at mga produktong gatas tulad ng keso, yogurt at mantikilya. Ito ay malakas din makapagbigay ng hangin sa tiyan kung matutunaw ng sikmura.

6. Beans

Ang mga beans naman, bukod sa presensya ng raffinose, at mayaman din sa soluble fibre na isa pang malakas makapagbigay ng hangin sa tiyan. Ang mga fiber ay kalimitang kinokonsumo ng mga bacteria na natural na naninirahan sa tiyan at ang mga ito naman ay maglalabas ng hangin bilang resulta.

7. Chewing gum

Marami sa mga chewing gum na mabibili ngayon ay may sangkap na sorbitol bilang pampatamis. Hindi rin malayong makalunok ng hangin sa patuloy na pagnguya ng chewing gum.

8. Oat meal

Ang pagkaing oat ay mataas sa soluble fiber. Ito ay natural na nakadaragdag sa hangin ng tiyan.

Alternatibong gamot para sa rayuma

Ang pananakit ng mga kasukasuan dahil sa implamasyon na dulot ng rayuma o arthritis ay isang pangkaraniwang sakit na kadalasang nararanasan ng mga nagkaka-edad na. Sinasabing ang pananakit na ito ay dahil sa reaksyon o problema sa sariling immune system. Ang kondisyong ito ay maaaring makaapekto nang husto sa kakayanan at abilidad ng isang indibidwal na maging produktibo kaya naman nangangailangan ito ng agarang atensyong medikal. (Basahin ang buong detalye ng sakit sa sumusunod na link: Kaalaman sa Rayuma.)

Sa tulong ng mga pinapahid at iniinom na gamot na kontra implamasyon at kontra pananakit, maaaring maibsan ang pananakit sa mga kasukasuan na dulot ng rayuma. Ngunit bukod dito, mayroon pang alternatibong gamot para dito.

1. Luya

Ang ugat ng luya ay kilalang pampalasa o spice na hinahalo sa maraming lutuin. Ang matapang na amoy at taglay nitong anghang ay may epektong nakakabawas sa implamasyon na nararanasan ng katawan, gaya ng rayuma.

Paano ito gamitin? Ang regular na pag-inom ng salabat o pinaglagaan ng luya ay nakatutulong na maibsan ang pananakit na dulot ng rayuma. Maaari ding ipahid sa bahagi ng katawan na nananakit ang dinikdik na luya. Basahin ang iba pang benepisyo ng luya sa link na sumusunod: Halamang Gamot-Luya.

2. Luyang dilaw

Gaya rin karaniwang luya, ang luyang dilaw ay may epekto rin sa mga implamasyon sa katawan. Makatutulong din ito sa pagpapahupa ng pananakit ng ilang bahagi ng katawan tulad ng rayuma sa mga kasukasuan.

Paano ito gamitin? Ang luyang dilaw ay kilalang sangkap din sa paggawa ng inumin na salabat. Ang regular na pag-inom ng salabat na yari sa luyang dilaw ay makatutulong din sa kondisyon ng rayuma. Basahin ang iba pang benepisyo ng luyang dilaw sa link na sumusunod: Halamang Gamot-Luyang Dilaw.

3. Bawang

Kilala ang bawang sa maraming benepisyo nito sa kalusugan. Bilang isang natural na antibiotic, nakatutulong ito nang malaki sa pagharang sa impeksyon ng bacteria at fungi sa katawan. Ngunit bukod dito, nakatutulong din ito sa pagpapahupa ng pananakit na dulot ng implamasyon sa katawan gaya na lang ng rayuma.

Paano ito gamitin? Kadalasan, ang dinikdik na bawang ay pinapahid sa bahagi ng katawan na nanakit at apektado ng sakit na rayuma. Basahin ang iba pang benepisyo ng bawang sa link na sumusunod: Halamang Gamot-Bawang.

4. Yerba buena

Ang halamang yerba buena, tulad ng mint, ay may malamig na epekto sa katawan. Kaya naman madalas itong ihalo sa mga inumin o kaya ay nilalaga at iniinom na parang tsaa. Ang halamang ito ay may bisa din sa pananakit sa mga kasukasuan na dulot ng rayuma.

Paano ito gamitin? ang dinikdik na dahon at tangkay ng halaman ay mabisang pantapal sa mga kasukasuan na nananakit dahil sa rayuma. Basahin ang iba pang benepisyo ng yerba buena sa link na sumusunod: Halamang Gamot-Yerba buena.

5. Tanglad

Ang tanglad o lemongrass ay kilalang halaman na pantaggal sa lansa ng mga nilulutong pagkain. Ngunit bukod sa gamit nito sa pagluluto, ang langis ng tanglad ay may substansyang mabisang pantanggal sa mga pananakit na dulot ng implamasyon sa katawan.

Paano ito gamitin? Ang langis ng tanglad ay maaaring ipampahid o ipangmasahe sa mga kasukasuan na nananakit dahil sa rayuma. Basahin ang iba pang benepisyo ng tanglad sa link na sumusunod: Halamang Gamot-Tanglad.

6. Sambong

Ang mga substansyang taglay ng katas ng dahon ng sambong ay may mabuti ring epekto lalo na sa pagpapahupa ng impalamasyon sa katawan gaya na lang ng sakit na rayuma.

Paano ito gamitin? Dapat ibabad ang mga paa sa pinaglagaan ng dahon nang rayuma hanggang sa manuot sa paa ang katas ng halaman. Basahin ang iba pang benepisyo ng sambong sa link na sumusunod: Halamang Gamot-Sambong.

7. Papaya

Ang dahon ng papaya ay mabisa din na panlunas sa pananakit na dulot ng rayuma. Kung kaya’t kilala rin itong gamot lalo na sa mga malalayong probinsya.

Paano ito gamitin? Ang malapad na dahon ng papaya ay pinipitpit hanggang magsugat-sugat bago ipantapal sa bahagi ng katawan na nananakit dahil sa rayuma. Basahin ang iba pang benepisyo ng papaya sa link na sumusunod: Halamang Gamot-Papaya.

8. Malunggay

Ang masustansyang gulay na malunggay ay siksik sa mga bitamina at sustansya na kailangan ng katawan. Ngunit bukod sa benepisyo nito ng gulay na ito sa nutrisyon, maaaring makapag bigay lunas din ito sa ilang uri ng sakit, tulad na lang ng rayuma.

Paano ito gamitin? Ang regular na pag-inom sa pinaglagaan ng mga buto o mismong dahon ng malunggay ay makatutulong sa para maibsan ang pananakit ng mga kasukasuan dahil sa rayuma. Basahin ang iba pang benepisyo ng malungay sa link na sumusunod: Halamang Gamot-Malungay.

9. Celery

Ang gulay na celery o kintsay ay may mabuting benepisyo din sa kalusugan. Maaari itong makapagbigay lunas sa ilang mga sakit gaya ng rayuma.

Paano ito gamitin? Ang regular na pagkain ng gulay ng kintsay ay makatutulong sa pagpapahupa ng pananakit ng rayuma. Basahin ang iba pang benepisyo ng celery sa link na sumusunod: Halamang Gamot-Celery.

10. Bayabas

Ang bayabas ay matagal nang ginagamit sa paggagamot sa maraming uri ng sakit. Ang iba’t ibang bahagi nito ay may mabuting epekto sa ilang kondisyon gaya ng implamasyon sa katawan.

Paano ito gamitin? Ang pagtatapal ng dinikdik na dahon ng bayabas sa mga apektadong bahagi ng katawan ay makababawas sa pananakit dulot ng rayuma. Basahin ang iba pang benepisyo ng bayabas sa link na sumusunod: Halamang Gamot-Bayabas.

 

Mga bitaminang kinakailangan ng katawan

Ang katawan ng tao ay isang mahiwagang makina na binubuo ng iba’t ibang bahagi na may mahahalagang papel na ginagampanan upang manatiling buhay ang isang tao. Bawat bahagi ng katawan ay may kontribyusyon sa kabuuang paggana. Ngunit para gumana nang maayos ang mga bahaging ito, kinakailangan ang suporta ng mahahalagang sustansya mula sa mga pagkaing kinakain.

Isa sa mga mahahalagang sustansya na kinakailangan ng katawan ay ang mga substansyang organiko na kung tawagin ay bitamina. Mayroong 13 na uri ng bitamina na kinakailangan ang katawan at bawat isa dito ay may mahalagang papel na ginagamapanan sa pagpapabuti ng paggana ng katawan.

1. Vitamin A

Ang vitamin A, na kilala rin bilang retinol, ay mahalagang bitamina na tumutulong sa pagpapalinaw ng mata, at iba pa. Nakukuha ito mula sa mga pagkain gaya ng atay, at mga prutas at gulay na kulay dilaw. Basahin ang kabuuang detalye ng Vitamin A sa sumusunod na link: Vitamin A.

2. B Vitamins

Tumutulong ang Vitamin B sa pagpoproseso ng mga pagkaing kinain upang ito ay mapakinabangan ng katawan bilang enerhiya. Ang Vitamin B ay nahahati pa sa ilang uri ng bitamina na may mga ispesipikong papel na ginagampanan.

  • Vitamin B1. Kilala rin bilang thiamine, basahin ang buong detalye ng bitamina sa sumusunod na link: Vitamin B1.
  • Vitamin B2. Kilala rin bilang riboflavin, basahin ang buong detalye ng bitamina sa sumusunod na link: Vitamin B2.
  • Vitamin B3. Kilala rin bilang niacin, basahin ang buong detalye ng bitamina sa sumusunod na link: Vitamin B3.
  • Vitamin B5. Kilala rin bilang pantothenic acid, basahin ang buong detalye ng bitamin sa sumusunod na link: Vitamin B5.
  • Vitamin B6. Kilala rin bilang pyridoxine, basahin ang buong detalye ng bitamina sa sumusunod na link: Vitamin B6.
  • Vitamin B7. Kilala rin bilang biotin, basahin ang buong detalye ng bitamina sa sumusunod na link: Vitamin B7.
  • Vitamin B9. Kilala rin bilang folate, basahin ang buong detalye ng bitamina sa sumusunod na link: Vitamin B9.
  • Vitamin B12. Kilala rin bilang cobalamin, basahin ang buong detalye ng bitamina sa sumusunod na link: Vitamin B12.

3. Vitamin C

Ang vitamin c, na kilala rin bilang ascorbic acid, ay tumutulong sa paghilom ng sugat, pagpapaganda ng kutis, at pakikipaglaban sa mga free radicals sa katawan. Karaniwan itong nakikita sa maraming uri ng prutas at gulay. Basahin ang kabuuang detalye ng bitamina sa sumusunod na link: Vitamin C.

4. Vitamin D

Vitamin D, tinatawag din na Cholecalciferol o Ergocalciferol, ay responsable naman sa pagsasaayos ng pagsipsip ng mahahalagang mineral papasok sa mga buto. Ito’y kilala ng mga tao bilang bitamina na nakukuha mula sa sinag ng araw, bagaman walang katotohanan ang paniniwalang ito. Basahin ang kabuuang detalye ng bitamina sa sumusunod na link: Vitamin D.

5. Vitamin E

Ang vitamin E, o tocopherol, ay nagbibigay proteksyon sa mga cells ng katawan at nilalabanan din ang mga nakakasamang free radicals. Nakukuha naman ito sa maraming uri ng gulay at mga mani. Basahin ang kabuuang detalye ng bitamina sa sumusunod na link: Vitamin E.

6. Vitamin K

Ang Vitamin K, kilala rin bilang phylloquinone at menaquinone. Responsable ito sa kalusugan ng dugo ng tao. Nakukuha sa mga pagkaing berde at madahong gulay, atay, at itlog. Basahin ang kabuuang detalye ng bitamina sa sumusunod na link: Vitamin K.

Alternatibong panlinis ng ngipin

Sa modernong panahon ngayon, ang mga pangunahing panlinis ng ngipin ay sepilyo at toothpaste. Minsan pa, gumagamit rin ng dental floss at mouth wash para mapanatiling malinis ang mga pagitan ng ngipin at matiyak na mabango ang hininga. Ngunit paano na mapapanatiling malinis ang mga ngipin kung sakaling walang sepilyo at toothpaste na magagamit?

Alalahanin na noong unang panahon, wala namang talagang sepilyo at toothpaste na magagamit bilang panlinis ng ngipin. Ang mga tao noon ay umaasa lamang sa tradisyonal na pamamaraan ng paglilinis ngipin na kung tutuusin ay maaari pa rin namang magamit sa ngayon. Bukod pa rito, may ilan pang mga kasangkapan na madali rin namang makita sa bahay ang mabisa ring makakalinis sa mga mga ngipin.

1. Tangkay ng halaman

Bago pa man maimbento ang kilala nating sepilyo, ang mga tao noon ay gumagamit na ng tangkay ng mga halaman bilang panlinis sa ngipin. Maaring pumitas lamang ng isang tangkay at saka ngunguyain ang dulo nito hanggang sa maghibla-hibla at makabuo ng parang brush. Ang mga hiblang ito ang siyang pinanglilinis sa pagitan ng mga ngipin. Ang mga madalas gamiting tangkay ay mula sa halamang mabango at katanggap-tanggap na lasa gaya ng eucalyptus, juniper, at neem tree.

chewing stick

2. Asin

Ang asin ay matagal na rin, at magpasahanggang ngayon, ay ginagamit pa rin na panlinis sa ngipin. Ang mismong asin ay nilalagay at ikinikiskis sa ngipin gamit ang daliri o ang tangkay na ginwang panlinis ng ngipin. Epektibo itong nakaka-alis ng mga nakasiksik na tinga at mga bacteria na nagdudulot ng pagkasira ng ngipin. Alamin ang iba pang benepisyong makukuha sa pagmumumog ng asin: Benepisyo sa pagmumumog ng asin.

asin

3. Baking soda

Ang baking soda na karaniwang makikita sa kusina ng tahanan ay maaari ding gamitin bilang panlinis ng ngipin. Maaari itong ihalo sa ilang uri ng natural na langis (langis ng niyog, peppermint oil, eucaliptus oil) at gamitin lang tulad ng pangkaraniwang toothpaste.

baking soda

4. Natural na langis

Ang ilang uri ng natural na langis ay mabisa rin na panglinis ng ngipin. Nababawasan din nito ang mabahong amoy mula sa mga kinain. Kadalasan, ang mga ito ay hinahaluan ng baking soda upang mas epektibong makalinis sa ngipin. Ang mga langis na maaaring gamitin ay langis ng niyog, langis ng eucalyptus, at langis ng peppermint.

mint

5. Hydrogen peroxide

Bilang alternatibo naman sa mouth wash na pinangmumumog, maaaring gamitin ang hydrogen peroxide. Kilala ang substansyang ito bilang panlinis sa mga sugat kung kaya’t madalas itong nakikita sa mga first aid kit. Ngunitk ung ihahalo ito sa tubig at makakagawa ng 3% solution, mabisa itong makakalinis ng bibig.

HydrogenPeroxideSmall

6. Tubig

Ang pinakasimpleng paraan naman ng paglilinis sa ngipin ay ang pagmumumog ng malinis na tubig. Kung wala ka nang magagamit na kahit na anong panlinis sa ngipin, magmumog na lamang gamit ang tubig. Mainam din naman itong pantanggal sa mga nakadikit na pagkain sa ngipin.

Water splashing into glass

Alternatibong gamot para sa hirap sa pag-ihi

Ang kondisyon ng hirap sa pag-ihi o fluid retention, o dysuria sa terminong medikal, ay isang pangkaraniwang kondisyon na maaaring maranasan ng sinumin. Kadalasang pagkakatayo o pagkakaupo nang matagal, pati na ang pagpipigil ng ihi ang itinuturong dahilan ng pagkakaranas nito. Ngunit ayon sa mga siyentipikong pag-aaral, may koneksyon ang hirap sa pag-ihi sa pagkakaroon ng altapresyon, karamdaman sa atay, at sakit sa puso.

Ang ganitong sakit ay masosolusyonan sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot na diuretics na nirereseta ng doktor. Ngunit bukod sa mga inireresetang gamot, may ilan din namang pagkain at inumin na mga natural na diuretics na makatutulong din sa kondisyon.

1. Kape

Ang lahat ng inuming may caffeine ay makatutulong na padaliin ang pag-ihi. Ito’y sapagkat ang caffeine ay isang uri ng natural na diuretic. Isa sa mga natural at may pinakamataas na mapagkukunan ng caffeine ay ang inuming kape.

cup-of-black-coffee1

2. Tsaa

Bagaman hindi sintaas ng caffeine sa kape, ang tsaa ay natural ding mapagkukunan ng substansyang caffeine na makatutulong sa kondisyon ng pag-ihi. Ang maganda pa nito, ang tsaa ay napatunayan nang may taglay na antioxidants na mabuti para sa kalusugan.

tsaa

3. Pinya

Ang masabaw at masustansyang prutas na pinya ay may epekto rin sa pagpapadali ng pag-ihi. Ito ay natural na diuretic at mayaman sa fiber at ilan pang bitamina na kinakailangan ng katawan. Tumutulong din ito na linisin ang digestive tract.

pinya

4. Letsugas

Ang ilang madadahong gulay gaya ng letsugas (lettuce) ay natural na diuretic na mabisa para sa para sa kondisyon ng dysuria. Bukod sa epektong ito, mayaman din sa mga mahahalagang mineral ang letsugas tulad ng manganese, potassium, iron, calcium at phosphorus.

lettuce

5. Bawang

Ang bawang, bukod sa pagiging natural na antibiotic, ay kilala ring nakakapagpababa ng presyon ng dugo. Ngunit bukod sa mga ito, ang bawang ay nakatutulong din sa pagpapadali ng pag-ihi. Pinaka-epektibo ito kung kakainin nang hilaw.

Garlic

6. Pakwan

Ang matubig na prutas na pakwan ay kilala rin bilang natural at mabisang diuretic. Mayroon din itong malakas na uri ng antioxidant na nilalabanan ang nakakasamang free radicals.

pakwan

7. Celery

Ang masustansyang gulay na celery o kintsay ay nakatutulong din sa panunumbalik sa normal ng pag-ihi. Mayaman din ito sa Vitamin K, C, B6, at A, bukod pa sa mga mineral gaya ng calcium, phosphorus, magnesium, at manganese.

kintsay

8. Pipino

Ang pipino ay may mabuting epekto din para sa pagsasaayos ng daloy ng ihi. Ayon pa sa mga pag-aaral, ang pipino ay tumutulong na tunawin ang mga namumuong uric acid na nagdudulot naman ng pagkakaroon ng bato sa kidney.

Cucumbers

9. Citrus fruits

Ang mga citrus fruits gaya ng kalamansi, suha, ponkan, dalanghita, dayap, at marami pang iba ay kilala sa pagiging mayaman sa Vitamin C. Ngunit bukod dito, ang mga prutas na ito ay natural din na diuretic.

lime

 

10. Sabaw ng buko

Pilipinas ang pangalawa sa may pinakamataas na produksyon ng buko sa buong mundo. Kaya naman, bahagi na ng kultura ng mga Pilipino ang pag-inom ng buko, hindi lamang bilang pamatid uhaw, kundi bilang gamot sa mga kondisyon na may koneksyon sa pag-ihi gaya ng UTI at balisawsaw.

buko

 

Alternatibong pampaputi ng balat

Maraming mga Pilipino ang nagnanais ng masmaputing kulay ng balat. Marami kasi ang nag-iisip na ang maputing kulay ng balat ay kulay ng kagandahan at kataasan sa lipunan. Ito rin ang kulay ng karamihan sa mga artista at mga iniidolong personalidad sa telebisyon. Kaya naman hindi natin masisisi na talagang patok na patok sa mga pamilihan ang mga produktong pampaputi magmula sa sabon, lotion, at maging gamot na iniinom na may glutathione.

Ngunit bukod sa mga produktong ito na karaniwan ay mahal at minsan pa’y hindi naman sigurado kung ligtas nga ba at epektibo, may ilang mga halamang gamot at natural na paraan ang maaaring makatulong sa pagnanais na pumuti ang kutis ng balat.

1. Kalamansi

Ang katas ng kalamansi ang isa sa mga pinakakilalang natural na pampaputi ng balat na ginagamit ngayon ng maraming Pilipino. Ang Vitamin C na makukuha sa katas nito ay may epektong natural na pampaputi at tumutulong din sa pagpapasigla ng balat. Taglay din ng katas nito ang antioxidant na tumutulong din sa pagbibigay ng proteksyon mula sa mga nakakasirang free radicals.

Paano ito gawin? Ang hiniwang kalamansi ay ipahid sa balat na nais paputiin. Gawin ito gabi-gabi bago matulog.

kalamansi

2. Gatas

Ang gatas pati na ang mga produktong yari dito ay may taglay na lactic acid na may epekto ring pampaputi sa kutis ng balat. Natural din nitong inaalis ang mga lumang balat upang mapalitan ng mas bago at masiglang skin cells.

Paano ito gawin? Kadalasan ay hinahaluan ng gatas ang tubig na pampaligo kung saan dapat namang ibabad ang sarili upang sumuot sa balat ang gatas. Maaari din gamitin ang yogurt na isang produktong gatas bilang pampahid sa balat.

milk

3. Kamatis

Ang kamatis ay may epekto ring pampaputi dahil sa taglay nitong Vitamin C. Pinapalusog din nito ang kutis at binabawasan ang sobrang paglalangis sa balat pati na ang sobrang pagtatagihawat.

Paano ito gawin? Ang dinurog na kamatis ay maaaring ipantapal sa balat at ibabad nang 15-25 minuto.

native_tomato

4. Bigas

Taglay naman ng bigas ang para-aminobenzoic acid (PABA) na isang natural na sunscreen o pangharang sa epekto ng araw na nakakaitim ng balat. Tinutulungan din ng PABA na pataasin ang natatangap na Vitamin C ng balat kung kaya’t mas lalo nitong pinapalusog ang balat.

Paano ito gawin? Durugin ang bigas sa maligamgam na tubig hanggang sa ito ay maging pulbos. Haluin nang mabuti hanggang sa maging malapot. Ang napalapot na bigas ay maaring ipahid sa balat na nais paputiin.

rice

5. Pulot (Honey)

Ang pulot ay nakatutulong din sa pagpapaputi ng balat pati na sa pag-aalis ng dead cells sa balat upang mapalitan ng mas masiglang balat. Ito rin ay may epektong antibacterial na kayang pumatay sa mga nakakasamang mikrobyo na maaaring pagmulan ng sakit.

Paano ito gawin? Paghaluin ang maligamgam ng tubig at natural na pulot. Ipahid ito sa balat na nais paputiin at hayaan nang 10-20 minuto.

Honey with honeycomb

6. Papaya

Ang papaya ay kadalasang sangkap sa mga pampaputing produkto na sabon at mga lotion na mabibili ngayon sa mga pamilihan. Dahil ito sa sustansyang papein na may mabuting epekto sa kalusugan ng balat.

Paano ito gawin? Ang hinog na papaya ay maaaring durugin at saka ipampahid sa balat. Hayaang matuyo at dumikit sa balat ang papaya bago hugasan.

papaya

7. Pipino

Nakatutulong din ang pipino sa pagkakaroon ng masigla at maputing kutis ng balat. At nababagay din ito sa lahat ng uri ng balat, mapa bata man o sa matatanda.

Paano ito gawin? Ang mga hiniwang pipino ay direktang ipantapal sa balat na nais paputiin. Hayaan ito nang 15-30 minuto.

Cucumbers

Benepisyo ng regular na pag-inom ng tsaa

Ang pag-inom sa tsaa o ang natural na pinagbabaran (infusion) ng pinatuyong dahon ng tsa (Camellia sinensis) ay bahagi na ng kultura ng marami sa mundo magmula pa sa sinaunang panahon. Ang matapang na lasa at mabangong amoy ng inuming tsaa ay paborito at hinahanap-hanap ng marami, maging ng ilang mga Pilipino.

Ang pagkahumaling ng marami sa pag-inom ng tsaa ang siyang nakahimok sa mga eksperto na magsagawa ng pag-aaral ukol dito. At lumalabas na ang regular na pag-inom ng tsaa ay may benepisyong hatid para sa ating kalusugan.

tsaa pic

1. Nakapagbibigay ng malakas na antioxidant.

Ang tsaa ay isa sa mga pagkain o inumin na makukuhanan ng mahalagang antioxidant. Alam naman natin na ang antioxidant ang nagbibigay sa katawan ng proteksyon laban sa nakakasamang free radicals na siyang nagpapatanda sa pisikal na anyo ng katawan. Ang flavonoids na na nakukuha sa tsaa ay isang malakas na antioxidant. Alamin kung ano pang mga pagkain ang mayaman sa antioxidant: Mga pagkain na mayaman sa antioxidant.

2. Mas mababang posibilidad ng stroke at sakit sa puso.

Ang regular na pag-inom ng tsaa ay may epektong nakakapagpababa sa posibilidad ng pagkakaroon ng stroke at sakit sa puso. Ito’y sapagkat natutulungan ng tsaa na maalis ang mga pagbabara sa ugat na dulot ng mataas na lebel ng cholesterol.

3. Nagbibigay proteksyon sa utak.

Natutulungan din ng malakas na antioxidant sa tsaa na maproteksyonan ang mga sensitibong nerve cells sa utak. Pinoprotektahan nito ang mga nerve cells mula sa stress. Lumalabas din sa mga pag-aaral na mas lumiliit ang panganib ng pagkakaroon ng Alzheimer’s disease o pag-uulyanin, pati na ang Parkinson’s disease sa mga matatanda. Alamin kung anu-anong mga karaniwang gawain ang makasasama sa kalusugan ng utak: Mga gawain na nakakasama sa utak.

4. Mas matibay na buto.

Ayon pa rin sa ilang mga pag-aaral ng mga eksperto, ang 10 taon o higit pang regular na pag-inom ng tsaa ay may mabuting epekto sa buto. Lumalabas na mas matibay ang buto ng mga taong matagal nang umiinom ng tsaa.

5. Pag-iwas sa nakakamatay na kanser

Mas mababa naman ang posibilidad ng pagkakaroon ng kanser sa suso, baga, sikmura, pancreas, at colon sa mga taong matagal nang umiinom ng tsaa. Dahil ito sa proteksyon na binibigay ng malalakas na antioxidant na taglay ng tsaa.

6. Mas malusog na baga

Pinoprotektahan din ng antioxidant sa tsaa ang baga mula naman sa masasamang epekto ng paninigarilyo. Dahil dito, mas malayo sa pagkakaroon ng mga sakit na may koneksyon sa paninigarilyo ang taong regular na umiinom ng tsaa. Basahin ang walong paraan ng pangangalaga sa baga: 8 paraan ng pangangalaga sa kalusugan ng baga.

7. Pag-iwas sa sobrang timbang o obesity

Ang karagdagang timbang mula sa sobrang pagkain ay maaaring maharang kung regular na umiinom ng tsaa. Kaya naman, mas maliit din ang tsansa na magkaroon ng sobrang timbang pati na ang mga sakit na kaakibat ng kondisyong ito. Alamin ang iba pang paraan ng pag-iwas sa sobrang timbang sa katawan: Mga tips sa pag-iwas sa obesity.

8. Nakakapagpasigla.

Ang nakakagising na caffeine na pinakakilalang nakukuha mula sa kape ay maaaring makuha rin sa iniinom na tsaa. Ngunit ang caffeine na makukuha dito ay hindi sinlakas ng nasa kape kung kaya’t mas kontrolado epektong makukuha mula dito.