Mga Halamang Gamot sa Pilipinas

Ang Pilipinas ay biniyayaan ng mayaman at malusog na kalupaan. At sa kalupaang ito matatagpuan ang sangkatutak na uri ng halaman, sa kabundukan man o sa kapatagan. Marami sa mga halamang ito ay pinakikinabangan ng tao sa iba’t ibang paraan. Mula sa mga prutas at gulay na kinakain sa araw-araw, hanggang sa mga troso at iba pang mga materyales na gamit sa paggawa. Bukod sa mga ito, marami din sa mga halaman na matatagpuan sa kapuluan ng Pilipinas ang ginagamit din sa tradisyonal na medisina.

Ang sumusunod na listahan ay ilan sa mga halamang gamot na kilalang ginagamit at pinaniniwalaang makatutulong sa iba’t ibang karamdaman at kondisyon sa katawan.

Abukado Kamansi Okra
Acacia Kamantigi Oregano
Adelfa Kamatis Pakwan
Akapulko Kamias Palo Maria
Alambrillo Kamote Paminta
Alagaw Kamoteng Kahoy Pandakaki Puti
Alikbangon Kamuning Pandan
Alugbati Kangkong Pansit-pansitan
Ampalaya Kantutay Papaya
Anonas Kanya Pistula Paragis
Apatot Kape Paraiso
Aratiles Karot Parsley
Aroma Kasuy Patatas
Asitaba Katakataka Patola
Asparagus Katmon Pinya
Atis Katuray Pipino
Atsuete Kawayan Puso-puso
Baino Kintsay Rambutan
Balanoy Kogon Repolyo
Balatong-aso Komprey Rimas
Balbas bakiro Kulantro Romero
Balbas Pusa Kundol Rosal
Bali-bali Labanos Sabila
Balimbing Lagtang Saga
Banaba Lagundi Saging
Bani Langka Saluyot
Bataw Lansones Sambong
Bawang Letsugas Sampaguita
Bayabas Linga Sampalok
Bignay Lubigan Sampasampalukan
Broccoli Lubi-lubi Santan
Bulak-manok Luya Santol
Bunga Luya-luyahan Sibuyas
Buntot-kabayo Luyang Dilaw Siling Labuyo
Chico Mabolo Sineguelas
Citronella Mais Singkamas
Dalanghita Makabuhay Soya
Dayap Makahiya Strawberry
Duhat Malatungaw Suha
Eucalyptus Malunggay Takip Kohol
Gabi Manga Talong
Granada Mangosteen Tangan-tangan
Gugo Mani Tanglad
Gulaman Manzanilla Tawa-tawa
Gulasiman Mayana Tsa
Gumamela Mickey Mouse Plant Tsaang Gubat
Guyabano Milfoil Tsampaka
Haras Mirasol Tsitsirika
Hyssop Moras Tuba
Ikmo Moras Tubo
Kaimito Mungo Upo
Kakaw Mustasa Uraro
Kakawate Neem tree Uray
Kalabasa Nipa Verbena
Kalachuchi Niyog Yerba Buena
Kalamansi Niyog-niyogan

Halamang Gamot: Hyssop

Kaalaman tungkol sa Hyssop bilang halamang gamot

Scientific name: Hyssopus officinalis Linn.; Hyssopus altissimus Mill.; Hyssopus decumbens Jord. & Fourr.

Common name: Hyssop (Ingles)

hyssopAng halamang hyssop ay isang lumang halaman na matagal nang ginagamit bilang gamot. Ito ay maliit lamang na halaman na may mahalimuyak na amoy at karaniwang tinatanim bilang pampabango sa lugar. Ang mga bulaklak ay maliliit lamang at kulay lila. Ito ay karaniwang halaman sa mga bansa sa Europa at hilagang bahagi ng Asya.

Ano ang mga sustansya at kemikal na maaaring makuha sa Hyssop?

Ang iba’t ibang bahagi ng hyssop ay maaaring makuhanan ng ilang uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

  • Taglay ng halaman ang mga flavonoid na pigenin, quercetin, diosmin, at luteolin. Taglay din nito ang chlorogenic, protocatechuic, ferulic, syringic, p-hydroxybenzoic acid at caffeic acids.
  • Ang bulaklak, dahon at mga sanga ay may taglay na mabangong langis.

Anong bahagi ng halaman ang ginagamit bilang gamot, at paano ginagamit ang mga ito?

Ang ilang bahagi ng halaman ay maaaring magamit sa panggagamot:

  • Bulaklak. Ang bulaklak ay maaaring ilaga at inumin na parang tsaa.
  • Dahon. Karaniwan ding nilalaga ang dahon upang mainom, o kaya naman ay dikdikin upang ipantapal.

Ano ang mga sakit na maaaring magamot ng Hyssop?

1. Jaundice o paninilaw ng balat dahil sa sakit sa atay. Dapat inumin ang tsaa na mula sa bulaklak ng halamang hyssop upang matulungan ang kondisyon ng jaundice.

2. Sugat. Matutulingang mapabilis ang paghilom ng sugat kung papahiran ito ng dinikdik na dahon ng hyssop.

3. Ubo. Matutulungang mapaluwag ang daluyan ng hingahan kung iinumin ang pinaglagaan ng dahon at bulaklak ng halaman.

4. Sipon. Maaaring ipangmumog ang pinaglagaan ng bulaklak upang guminhawa ang sipon.

5. Rayuma. Mabisa rin para sa rayuma ang paghuhugas gamit ang pinaglagaan ng dahon sa mga apektadong kasukasuan.

6. Sore throat. Makatutulong din para maibsan sore throat  kung ipangmumumog ang pinaglagaan ng bulaklak ng hyssop.

Disclaimer: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi makapagbibigay ang Kalusugan.PH ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang epekto ng mga halamang gamot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit sa iba ay maaaring hindi naman gumana. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.

Halamang Gamot: Buntot Kabayo (Horsetail)

Kaalaman tungkol sa Buntot Kabayo (Horsetail) bilang halamang gamot

Scientific name: Equisetum arvense L.; Equisetum boreale Bong.

Common name: Buntot Kabayo (Tagalog); Horsetail (Ingles)

horsetail

Ang buntot-kabayo ay isang lumang halaman na matagal nang ginagamit ng mga sinaunang sibilisasyon sa Roma at Gresya bilang halamang gamot. Ito ay walang bulaklak at ang itsura ay kahalintulad ng buntot ng kabayo. Ang mapapayat na mga sanga ay tumutubo ng patayo at mayroon itong maliliit at mala-kaliskis na dahan sa bawat hati o segment ng sanga. Karaniwang pananim bilang halamang ornamental sa mga hardin at mga parke sa iba’t ibang lugar sa mundo.

Ano ang mga sustansya at kemikal na maaaring makuha sa Buntot Kabayo (Horsetail)?

Ang iba’t ibang bahagi ng buntot-kabayo ay maaaring makuhanan ng ilang uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

  • Ang halaman ay makukuhanan ng flavonoids, alkaloids, terpenoids, saponins, phytosterols, at amino acids.
  • Makukuhanan din ito ng mga mineral na calcium, potassium, silicon at magnesium

Anong bahagi ng halaman ang ginagamit bilang gamot, at paano ginagamit ang mga ito?

Ang tangkay ng halaman ang karaniwang ginagamit sa panggagamot. Maaari itong ilaga upang makain at mainom naman ang pinaglagaan.

Ano ang mga sakit na maaaring magamot ng Buntot Kabayo (Horsetail)?

1. Sakit sa bato. Ang panghihina ng mga bato o kidney ay maaaring matulungan ang pag-inom sa pinaglagaan ng sariwang sanga ng buntot-kabayo.

2. Rayuma. Mabisa rin ang pag-inom sa pinaglagaan ng buntot-kabayo para maibsan ang pananakit ng mga kasukasuan dahil sa rayuma.

3. Eczema. Maaari ding ipanghugas sa balat na dumaranas ng eczema ang pinaglagaan ng mga sanga ng buntot kabayo.

4. Osteoporosis. Makatutulong ang mga mineral ng makukuha sa halaman para sa pagpapatibay ng mga buto.

5. Problema sa atay. Dapat ding inumin ang pinaglagaan ng sanga para matulungan ang ilang kondisyon sa atay.

6. Hirap sa pag-ihi. Matutulungang mapadali ang pag-ihi kung iinumin ang pinaglagaan ng buntot kabayo.

7. Pagtatae. Mabisa para sa kondisyon ng pagtatae ang pagkain sa nilagang sanga ng buntot kabayon.

Disclaimer: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi makapagbibigay ang Kalusugan.PH ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang epekto ng mga halamang gamot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit sa iba ay maaaring hindi naman gumana. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.

Halamang Gamot: Lubi-Lubi

Kaalaman tungkol sa Lubi-Lubi bilang halamang gamot

Scientific name: Solanum nigrum L. var. vulgare L.; Solanum rubrum Nees

Common name: Lubi-Lubi (Tagalog); Deadly nightshade, Black nightshade (Ingles)

lubilubi

Ang lubi-lubi ay isang maliit lang na halaman na may mga berdeng sanga, at pangkaraniwang dahon na patulis sa dulo. Ang mga bulaklak ay kulay puti at ang bunga ay maliliit na bilog at kulay itim o lila. Karaniwan itong tumutubo saanmang lugar sa Pilipinas.

Ano ang mga sustansya at kemikal na maaaring makuha sa Lubi-Lubi?

Ang iba’t ibang bahagi ng lubi-lubi ay maaaring makuhanan ng ilang uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

  • Ang buong halaman ay makukuhanan ng substansyang solanine at tropeine. Makukuhanan din ito ng alkaloids, saponins, tannins, flavonoids, at proteins.
  • Ang bunga ay mayaman naman sa calcium, iron at phosphorus.
  • Ang dahon ay may taglay naman na coumaric acid, quercitin, catechol, caffeic acid, gallic acid, at protocatechnic acid

Anong bahagi ng halaman ang ginagamit bilang gamot, at paano ginagamit ang mga ito?

Ang ilang bahagi ng halaman ay maaaring magamit sa panggagamot:

  • Bunga. Ang bunga ay karaniwang kinakain lamang upang makagamot. Ang hilaw na bunga ay maaaring ipantapal sa balat.
  • Dahon. Ang dahon naman ay maaaring ilaga upang inumin, at dikdikin upang ipantapal sa ilang kondisyon.
  • Ugat. Maaari namang dikdikin at ipantapal ang ugat o kaya naman ilaga upang mainom.

Ano ang mga sakit na maaaring magamot ng Lubi-Lubi?

1. Diabetes. Ang pagkain sa hinog na bunga ng lubi-lubi ay mabisa para sa sakit na diabetes.

2. Sore eyes. Ang pinaglagaan ng dahon at mga sanga ay maaaring ipampatak sa mata upang guminahawa ang sore eyes.

3. Pigsa. Ang dinikdik na ugat ay maaaring ipantapal sa balat na may pigsa.

4. Sugat. Makatutulong din ang pagtatapal ng dinikdik na ugat sa sugat para mapabilis ang paghilom nito.

5. Buni. Maaaring ipantapal naman ang dinikdik na hilaw na bunga ng lubi-lubi sa balat na apektado ng buni.

6. Rayuma. Maaari din ipantapal sa mga nananakit na kasukasuan ang dinikdik na dahon ng rayuma.

7. Lagnat. Mahusay na pampababa ng mataas na lagnat ang pag-inom sa pinaglagaan ng halaman.

8. Tulo. Mabisa rin para sa tulo o gonorrhea ang pag-inom sa katas ng dahon.

9. Ubo. Makatutulong din sa ubo ang pag-inom sa pinaglagaan ng bunga ng halaman.

10. Paso. Maiibsan ang kondisyon paso sa balat sa tulong ng pagtatapal ng dahon sa apektadong balat.

Disclaimer: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi makapagbibigay ang Kalusugan.PH ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang epekto ng mga halamang gamot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit sa iba ay maaaring hindi naman gumana. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.

Halamang Gamot: Gulaman

Kaalaman tungkol sa Gulaman bilang halamang gamot

Scientific name: Gracilaria compressa (C. Agardh) Greville; Gracilaria lichenoides (L.) Harv.

Common name: Gulaman (Tagalog); Agar-agar, Ceylon Moss (Ingles)

gulaman

Ang gulaman ay isang halamang-dagat na kinakain sa maraming lugar. Ito ay mahalaga sa pangkabuhayan ng marami sapagkat ito ang pangunahing sangkap sa paggawa ng gulaman o gelatin. Ito ay malambot, malaman at malutong kung kakagatin. Maaring kulay berde, mamula-mula o madilaw. Karaniwan itong makukuha sa mababaw na bahagi ng dagat sa ilalim ng mga bato at buhanginan.

Ano ang mga sustansya at kemikal na maaaring makuha sa Gulaman?

Ang iba’t ibang bahagi ng gulaman ay maaaring makuhanan ng ilang uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

  • Ang halaman ay makukuhanan ng gelose, protein, fat, at iba pang uri ng carbohydrate gaya ng galactose fructose at pentose. Makukuhanan din ito ng mga importanteng mineral tulad ng iodine, calcium, sodium, magnesium, potassium, at fluorine.

Anong bahagi ng halaman ang ginagamit bilang gamot, at paano ginagamit ang mga ito?

Ang buong halaman ay maaaring kainin at gamitin sa panggagamot.

  • Kadalasan, ang sariwang gulaman at kinakain bilang salad o nilalaga upang makuhanan ng katas.

Ano ang mga sakit na maaaring magamot ng Gulaman?

1. Ubo. Sinasabing mabisang panlunas sa ubo na may makapit na plema ang pagkin sa sariwang gulaman o kaya ang pag-inom sa katas nito.

2. Sugat. Maaring ipantapal sa mga sugat ang malapot na katas ng gulaman upang mapabilis ang pag-hilom

3. Dysenteria. Matutulungan naman na guminhawa ang kondisyon ng dysenteria kung iinumin ang sariwang katas ng gulaman.

4. Pagtitibi o constipation. Mabisa rin para hirap sa pagdumi ang pagkain sa sariwang gulaman gayundin ang pag-inom sa katas nito.

5. Goiter. Ang mineral na iodine sa sa halamang-dagat na ito ay makatutulong para sa sakit na goiter.

6. Hirap sa paghinga. Makatutulong pa rin ang pag-inom sa katas ng gulaman para maibsan ang hirap sa paghinga.

Disclaimer: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi makapagbibigay ang Kalusugan.PH ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang epekto ng mga halamang gamot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit sa iba ay maaaring hindi naman gumana. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.

Halamang Gamot: Saga

Kaalaman tungkol sa Saga bilang halamang gamot

Scientific name: Abrus precatorius Linn.; Abrus abrus (L.)Wright; Abrus cyaneus R.Vig.

Common name: Saga (Tagalog); Bead vine, Prayer beads (Ingles)

saga

Ang saga ay isang gumagapang na halaman na may matigas na mga sanga. Ito ay kilala sa pagkakaroon ng mga buto na may matingkad na kulay na mistulang beads ng kwintas. Ang dahon ay simple at naka-ayos nang magkakatapat sa isang bawat tangkay, may bulaklak din ito na kulay lila o pink. Ang mga buto naman ay nakapaloob sa isang pod. Karaniwan itong nakikitang nakatanim sa mga mabababang lugar at paanan ng mga kabundukan.

Ano ang mga sustansya at kemikal na maaaring makuha sa Saga?

Ang iba’t ibang bahagi ng saga ay maaaring makuhanan ng ilang uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

  • Ang buto ay may taglay na abric acid
  • Ang ugat ay may taglay naman na glycyrrhizin
  • Ang buong halaman ay makukuhanan ng tannins, triterpenes, glycosides, alkaloids, anthraquinones at carbohydrates

Anong bahagi ng halaman ang ginagamit bilang gamot, at paano ginagamit ang mga ito?

Ang ilang bahagi ng halaman ay maaaring magamit sa panggagamot:

  • Ugat. Ang ugat ay karaniwang pinapatuyo ay nilalaga upang magamit sa panggagamot.
  • Dahon. Kilala ring panggamot ang dahon ng saga. Ito’y karaniwang nilalaga at pinapainom din sa may sakit.
  • Buto. Ang mga buto naman ay maaaring pulbosin at ipantapal sa ilang uri ng kondisyon.

Ano ang mga sakit na maaaring magamot ng Saga?

1. Ubo. Mabisang panlunas sa ubo ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon at ugat ng halaman.

2. Pamamaos. Ang pagkawala ng boses o pamamaos ay maaaring malunasan din ng pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng saga. Mabisa din ang pag-inom sa purong katas ng dahon.

3. Pamamaga sa lalamunan. Ang pamamaga sa lalamunan na maaaring bunga ng sore throat ay matutulungan ng pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ng halaman.

4. Pagtatae. Ang matubig na pagdumi ay matutulungan din ng pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ng halaman.

5. Galis. Makatutulong naman sa kondisyon ng paggagalis sa balat ang pagtatapal ng pinulbos na buto ng halaman.

6. Hika. Sa ibang lugar pa, ang pinaglagaan ng dahon ay pinaniniwalaang mabisa para sa hika.

Disclaimer: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi makapagbibigay ang Kalusugan.PH ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang epekto ng mga halamang gamot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit sa iba ay maaaring hindi naman gumana. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.

Halamang Gamot: Nipa

Kaalaman tungkol sa Nipa bilang halamang gamot

Scientific name: Nypa fruticans Wurmb.; Nipa fruticans Thunb.

Common name: Nipa, Pawid, Sasa (Tagalog); Nipa Palm (Ingles)

nipa

Ang nipa ay isang mahalagang halaman sa Pilipinas. Ang iba’t ibang bahagi ng halamang ito ay ginagamit sa paggawa ng maraming uri ng produkto. Ang halaman ay maliit lamang na karaniwang tumutubo sa mga maputik na sapa, gilid ng ilog, at bukana ng ilog papuntang dagat. Ang mga dahon nito ay kahalintulad ng niyog habang ang bulaklak ay bilog at may malalaking buto.

Ano ang mga sustansya at kemikal na maaaring makuha sa Nipa?

Ang iba’t ibang bahagi ng tubo ay maaaring makuhanan ng ilang uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

  • Ang dagta mula sa halaman ay mayaman sa ethanol, gayundin sa iba pang uri ng alkohol gaya ng esters, diacetyl, at acetoin

Anong bahagi ng halaman ang ginagamit bilang gamot, at paano ginagamit ang mga ito?

Ang ilang bahagi ng halaman ay maaaring magamit sa panggagamot:

  • Dahon. Ang pinaglagaan ng dahon ay kilalang ginagamit sa paggagamot. Maaari din itong dikdikin at ipantapal sa ilang kondisyon sa balat.
  • Dagta. Ang dagta ng halaman partikular sa umuusbong pa lang na bahagi ay mabisang panggamot. Kalimitang hinahalo ito sa inumin.

Ano ang mga sakit na maaaring magamot ng Nipa?

1. Ulcer sa sikmura. Pinaniniwalaang makatutulong sa kondsiyon ng ulcer sa sikmura ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon.

2. Herpes. Maaaring magamot ang sakit na dulot ng herpes sa tulong ng pag-inom sa dagta ng halaman na hinalo sa gata ng niyog.

3. Pananakit ng ulo. Ang dinikdik na dahon ay makatutulong na maibsan ang pananakit ng ulo. Dapat lamang ipantapal ito sa nananakit na ulot.

4. Implamasyon ng mata. Ang mata na may iritasyon ay maaaring matulungan kung huhugasan ito gamit ang dagta na hinalo sa tubig.

Disclaimer: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi makapagbibigay ang Kalusugan.PH ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang epekto ng mga halamang gamot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit sa iba ay maaaring hindi naman gumana. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.

Halamang Gamot: Lagtang

Kaalaman tungkol sa Lagtang bilang halamang gamot

Scientific name: Anamirta cocculus (Linn.) W. and A.; Anamirta paniculata Colebr.

Common name: Lagtang (Tagalog); Fish berry (Ingles)

lagtang

Ang lagtang ay isang uri ng halaman na gumagapang na may matigas o mala-kahoy na mga sanga. Ang mga dahon ay hugis puso at malapad. May bulaklak din ito na kulay dilaw, maliliit ngunit mahalimuyak. Karaniwan itong tumutubo sa mabababang kagubatan sa Pilipinas partikular sa Hilagang Luzon at Mindanao.

Ano ang mga sustansya at kemikal na maaaring makuha sa Lagtang?

Ang iba’t ibang bahagi ng Lagtang ay maaaring makuhanan ng ilang uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

  • Makukuha sa halaman ang ilang kemikal gaya ng alkaloids, steroids, fixed oils, proteins, at carbohydrates
  • Ang mga ugat at tangkay ay mayroong berberine, palmatine, magnoflorine, at columbamine.
  • Ang bunga ay mayroon ding picrotoxinin, picrotin at cocculin

Anong bahagi ng halaman ang ginagamit bilang gamot, at paano ginagamit ang mga ito?

Ang ilang bahagi ng halaman ay maaaring magamit sa panggagamot:

  • Buto. Ang mga buto ng halamang lagtang ang pangunahing ginagamit sa panggagamit.
  • Bunga. Karaniwan naman kinakatasan ang bunga ng lagtang para makagamot.

Ano ang mga sakit na maaaring magamot ng Lagtang?

1. Kuto at lisa. Ang dinikdik na buto ay maaaring ihal sa tubig at ipanghugas sa ulo na apektado ng kuto at lisa.

2. Galis. Ang katas ng bunga ay dapat namang ipahid sa balat na apektado ng paggagalis.

3. Bronchitis. Sinasabing mabisa rin para sa bronchitis ang pagnguya sa bunga ng halaman.

4. Pagkahilo. Pinapanguya din ng bunga ng lagtang ang mga taong dumaranas ng pagkahilo.

5. Sugat. Ang katas ng halaman ay maaari naman ipampahid sa sugat upang mabilis na gumaling.

Disclaimer: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi makapagbibigay ang Kalusugan.PH ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang epekto ng mga halamang gamot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit sa iba ay maaaring hindi naman gumana. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.

Halamang Gamot: Mani

Kaalaman tungkol sa Mani bilang halamang gamot

Scientific name: Arachis hypogaea Linn.

Common name: Mani (Tagalog); Peanut (Ingles)

peanut

Ang mani ay isa sa mga paboritong kainin, hindi lamang ng mga Pilipino, kundi ng iba pang mga lahi tao sa mundo. Ito ay maliit lamang na halaman na bahagyang nababalot ng maliliit na buhok. Ang dahon ay bilugan habang ang bulaklak ay maliit lamang at kulay dilaw. Ang kinakain na mga buto ay lumalago sa ilalim ng lupa kasama ng mga ugat. Laganap ang pananim na ito sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Ano ang mga sustansya at kemikal na maaaring makuha sa Mani?

Ang iba’t ibang bahagi ng mani ay maaaring makuhanan ng ilang uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

  • Ang mga buto ng mani ay mayaman sa protina at taba. Mayroon din itong carbohydrates, calcium, phosphorus at iron. Makukuhanan din ito ng Vitamin A, B1, B2, niacin, at Vitamin C.
  • Ang langis na makukuha sa mani ay may taglay na glycerides ng palmitic, oleic, stearic, lignoceric, linolic, at arachidic acid.

Anong bahagi ng halaman ang ginagamit bilang gamot, at paano ginagamit ang mga ito?

Ang ilang bahagi ng halaman ay maaaring magamit sa panggagamot:

  • Langis. Ang langis na nakukuha sa mga buto ay mabisang panlunas sa ilang mga karamdaman. Karaniwang hinahalo ito sa inuming gatas.
  • Buto. Ang mismong buto ng mani maaaring kainin upang makuha ang benepisyo ng halaman.

Ano ang mga sakit na maaaring magamot ng Mani?

1. Tulo. Maaaring gamitin ang langis ng mani na hinalo sa gatas upang ipanglunas sa tulo o gonorrhea. Dapat lamang itong inumin.

2. Hirap sa pag-ihi. Dapat ding ihalo ang langis sa inumin upang matulungan ang kondsiyon sa pantog.

3. Rayuma. Maaaring ipahid ang langis ng mani sa mga kasukasuan na nakakaranas ng pananakit.

4. Free Radicals. May mabuting epekto naman ang pagkain ng mani laban sa mga free radical sa katawan. Ang resveratrol sa mani ay isang malakas na uri ng anti-oxidant.

Disclaimer: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi makapagbibigay ang Kalusugan.PH ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang epekto ng mga halamang gamot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit sa iba ay maaaring hindi naman gumana. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.

Halamang Gamot: Kamantigi

Kaalaman tungkol sa Kamantigi bilang halamang gamot

Scientific name: Balsamina angustifolia Blume; Balsamina coccinea (Sims) DC.; Impatiens balsamina Linn.

Common name: Kamantigi (Tagalog); Balsam, Touch-me-not (Ingles)

kamantigiAng kamantigi ay isang maliit lamang na halaman na kilalang namumulaklak. Ito ay may makinis na dahon na may tusok-tusok sa gilid at patulis sa dulo. Ang bulaklak ay maaaring kulay rosas o kulay puti. Ang mga buto ay nababalot ng mala-kapsulang bahagi. Kilala ito bilang halamang ornamental at kadalasang makikitang nakatanim sa paso.

Ano ang mga sustansya at kemikal na maaaring makuha sa Kamantigi?

Ang iba’t ibang bahagi ng kamantigi ay maaaring makuhanan ng ilang uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

  • Ang dahon ng kamantigi ay may taglay na sulfur at pectin.
  • Ang ugat ay may taglay naman na peroxidase.
  • Ang mga buto ay mayroong langis at phenol.
  • Ang bulaklak ay may taglay naman na alkaloids, tannins, glycosides, flavonoids, saponins, terpene, and carbohydrates

Anong bahagi ng halaman ang ginagamit bilang gamot, at paano ginagamit ang mga ito?

Ang ilang bahagi ng halaman ay maaaring magamit sa panggagamot:

  • Dahon. Ang dahon ay karaniwang dindikdik upang ipantapal sa ilang kondisyon.
  • Bulaklak. Karaniwan namang nilalagat at iniinom ang bulaklak ng kamantigi.
  • Buto. Ang pag-inom sa pinaglagaan ng buto ay mabisa rin para sa ilang karamdaman.

Ano ang mga sakit na maaaring magamot ng Kamantigi?

1. Ubo. Ang kondisyon ng ubo ay maaaring matulungan ng pag-inom sa pinaglagaan ng buto ng kamantigi.

2. Kulugo. Pinaniniwalaang makatutulong sa pag-alis ng kulugosa balat ang pagtatapal ng dinikdik na dahon ng kamantigi sa apektadong bahagi ng katawan.

3. Pasa. Makatutulong din para sa kondisyon ng pagpapasa ang pagtatapal ng dinikdik na dahon ng halaman.

4. Rayuma. Maaaring ipantapal ang dinikdik na bulaklak ng kamantigi sa nananakit ng kasukasuan na dulot ng sakit na rayuma.

5. Dysmenorrhea. Makatutulong sa kondisyon ng dysmenorrhea ang pag-inom sa pinaglagaan ng bulaklak.

6. Impeksyon ng fungi sa mga kuko. Mabisang panlunas naman para sa mga kuko na apektado ng impeksyon ng fungi ang pagtatapal ng dinikdik na dahon ng halaman.