HPV

  • Halos lahat ng kaso ng cervical cancer sa mundo ay sanhi ng human papillomavirus (HPV).
  • Halos 50% ng mga aktibong nagtatalik ay maaring magkaroon ng HPV infection.
  • Anim (6) sa sampung (10) kababaihang Filipina ang maaring mamatay sa cervical cancer sa loob ng limang taon.
  • Kalimitan sa mga pasyenteng may cervical cancer ay napag-aalamang nasa advanced stage na ng kanilang sakit. Ito ay sa kadahilanang wala masyadong sintomas ang HPV infection lalo na kung nasa maaga pa lamang na antas.
  • 40% ng kanser sa ari ng babae; 90% kanser sa puwit; 40% kanser sa ari ng lalake; 12% ng kanser sa leeg o  lalamunan; at 3% kanser sa bibig ay sanhi ng mga high-risk na uri ng HPV.
  • Maaring maiwasan o mapababa ang tyansang makapitan ng HPV dahil mayroong bakuna laban dito.
  • Hindi lamang babae ang maaring magkasakit sanhi ng HPV.
  • Mas maigi kung mababakunahan ng HPV vaccine ng mas maaga ang babae o lalake, bago pa man maging aktibo sa pagtatalik.
  • Walang gamot na maiinom para mawala ang HPV infection. Bagkus, sariling depensa o panlaban ng katawan ang siyang namamahala sa pagsupil ng HPV sa sistema.
  • Hindi lahat ng may HPV infection ay may kulugo sa ari o palatandaan na may impeksyon.
  • Ang Pap Smear o ang pag iinspeksyon ng kwelyo ng matris ay hinihikayat sa mga kababaihan dahil ito ang pamantayan o gold standard upang masuri kung may cervical HPV infection