Mga kaalaman tungkol sa breast cancer o kanser sa suso

ANO ANG BREAST CANCER?

Ang breast cancer ay isang cancer na nakakaapekto sa suso. Bilang isang kanser, ito ay tumutukoy sa mga malignant cells o mga cell na hindi mapigil ang pagdami, palaki ito ng palaki hanggang makasira ito sa bahagi ng katawan kung saan ito naroon at patuloy na kumalat sa ibang bahagi ng katawan.

GAANO KADAMI ANG MAY BREAST CANCER SA PILIPINAS?

Ang breast cancer ang pinaka-karaniwang kanser sa Pilipinas. Noong 2010, itinatala na may 12,262 na bagong kaso ng breast cancer sa bansa. Ayon sa ilang pag-aaral, ang Pilipinas ang may pinakamataas na porsyento ng kababaihan na may breast cancer, kung kaya’t ito’y isang kondisyon na dapat pagtuunan ng pansin.

PAANO NAGKAKAROON NG BREAST CANCER?

Ang breast cancer o kanser sa suso ay isang kondisyon na hindi kayang ipaliwanag ng isa lamang dahilan, subalit may mga bagay na napag-alaman na maaaring may kontribusyon sa pagkakaron ng breast cancer, ang mga tinatawag na ‘risk factors'. Kabilang na dito ang pagkakaron ng breast cancer sa pamilya, ang hindi pagkakaron ng pagbubuntis. Pero karamihan ng breast cancer ay hindi madaling ipaliwanag dahil hindi pa talaga ganap na natutukoy ng mga mag-aaral ang mekanismo ng pagkakaron ng breast cancer.

ANONG IBIG SABIHIN NG IBA'T-IBANG STAGE NG BREAST CANCER?

Ang mga stage na ito ay isang paraan para gabayan ang mga doktor kung anong gamot ang angkop sa isang kaso ng breast cancer.

ILANG TAON PANG MABUBUHAY ANG TAO NA MAY BREAST CANCER?

Depende ito sa Stage ng kanser, at depende din ito sa pasyente. Mahirap magbigay ng eksaktong ’taning’ sa isang pasyente. Ang totoo, pataas na ng mataas ang porsyento ng breast cancer ngayon ang nagagamot at naaagapan. Kung maagapan, maraming mga pasyente ang nabubuhay ng higit sa lima o sampung taon. Ayon sa ilang pag-aaral, ang porsyente ng mga Pilipino na nabubuhay makalampas ng 5 talon matapos ma-diagnose na may breast cancer ay nasa 50%.