Mga kaalaman tungkol sa pigsa o boils

Ano ang pigsa?

Ang pigsa ay isang impeksyon sa balat na nag-uumpisa sa ugat ng buhok o balahibo (hair follicle). Sa Ingles ito’y tinatawag na boils, sty, o furuncle; pag nagsama ang dalawa o mas marami pang furuncle, ang pigsa ay tinatawag ng furuncle. Anong nangyayari sa kondisyon na ito? Una, ang balat na mamumula sa palibot ng lugar ng impeksyon; at magkakaroon ng namamagang umbok o bukol, na siyang tinatawag na pigsa. Makaraan ang 3-7 na araw, ang pigsa ay magiging puti o dilaw dahil sa nabubuong nana na loob nito. Ang mga pigsa ay malamit matatagpuan sa mukha, sa leeg, sa kilikili, sa braso, at sa balakang. Isang espesyal na uri ng pigsa ay ang kuliti o pigsa sa talukap ng mata (eyelid).

Ano ang sanhi ng pigsa?

Mga mikrobyo o germs ay karaniwang sanhi ng pigsa. Isang karaniwang mikrobyo ay nagmumula sa pamilya ng mga bacteria na tinatawag na Staphylococcus. Ang mga bacteria na ito ay maaaring sumuot sa mga maliit na maliit na hiwa o butas sa ating balat na siya namang dala ng sugat, pagkadali, atbp. May mga sakit o kondisyon ring nagpapataas ng probabilidad na magkaroon ng pigsa. Kabilang dito ang mga sumusunod:
  • Diabetes
  • Malnutrition o kakulangan sa pagkain
  • Poor hygiene o pagiging madumihin
  • Pagiging mahine ng immune system