May epekto ba ang pills sa monthly period?

May epekto ba ang pills sa monthly period?

Q: Good evening po doc, tanung ko lang po if buntis po ba ako sa ganitong araw na di pa ako dinatadnan? last mentruation ko April 2 hanggang April 6 then hanggang ngayon di pa ako dinatatnan e May 17 na po ngayon…ang gamit kong contraceptive ay pills. nagtest na po ko ng PT dalawang beses na nga kaso negative pa rin.Ilang araw po ba akong delayed doc.?

A: Mabuti na lang binaggit mo na gumagamit ka ng pills, kasi ang paggamit ng pills ay nakaka-apekto talaga sa pagregla o menstrual cycle. Depende sa klase ng pills na iniinom mo, pwedeng hindi ka reglahin, o di kaya spotting lang ang mangyari. Ano bang klaseng pills ang iniinom mo? Sinusunod mo ba ang instructions na nakasulat? Marami ring pills na naka-takda ang pag-inom: 3 linggo na bibigyan ka ng pills, at 1 linggo na may pills parin pero wala itong laman na ‘active ingredient'; ito ay ginagawa upang reglahin ka. Kung hindi mo nasunod ito, muli, pwede kang hindi datnan.

Since negative ka naman sa pregnancy test ng dalawang beses at kung wala ka namang sintomas ng pagbubuntis, hindi mo dapat isipin na buntis ka. Para sa karagdagang kaalaman sa wastong paggamit ng pregnancy test, tingnan ang artikulong “Buntis ba ako?” sa Kalusugan.PH.