Pagkakaron ng tulo at pagkakaron ng HIV/AIDS: May koneksyon?

Q: Totoo po ba na kapag nagkaroon ka po ng tulo ay siguradong may HIV/Aids ka na rin?

A: Hindi ito totoo, subalit mas tumataas ang posibilidad na magkaron ng HIV/AIDS ang mga taong may ibang STD gaya ng tulo. Bilang balik-aral, ang HIV/AIDS ay nakukuha sa unprotected sex, kalimitan sa vaginal o anal intercourse o pagpasok ng ari ng lalaki sa pwerta ng babae o sa pwet ng babae o lalaki. Sa kabilang banda, bukod dito, maaari ding makuha ang tulo sa oral sex, o anumang sexual contact sa bibig, ari ng lalaki, ari ng babae, o pwetan). Kaya bukod sa pag-iwas sa HIV/AIDS, dapat ding iwasan ang pagkakaron ng tulo. Nakakabawas, ngunit hindi nakakaiwas, ang paggamit ng condom sa pagkakaron ng tulo. Pag-iwas sa sex at pagiging matapat sa iisang kapartner ang tanging siguradong paraan para maka-iwas sa tulo.

Itanong kay Doc

PangalanRequired

EmailRequired

Katanungan160

I-Submit
MAHALAGA: Ang Kalusugan.PH ay naniniwala na mahalaga at walang kapalit ang aktwal na pagpapakonsulta sa doktor. Ang mga sagot na maibibigay ay pawang mga gabay lamang. Tingnan ang buong Patakaran ng Website.