Anong gamot sa ubo at sipon na pwede sa buntis?

Anong gamot sa ubo at sipon na pwede sa buntis?

Q: Ano po bang gamot ang pwede kong inumin para sa ubo, sipon at sakit ng ulo na mabibili over the counter? Ako ay 5 buwang buntis.

A: Hanggat maaari, maganda sana kung maiiwasang uminom ng gamot habang buntis, at kung kailangan mang uminom ng gamot, magabayan ng inyong OB-GYN, o iba pang doktor para sigurado.

Nabanggit mo ang sakit ng ulo. Sa mga gamot sa sakit ng ulo, ang pinaka-ligtas para sa mga buntis ay ang Paracetamol. Para naman sa mga gamot sa ubo at sipon, ang lagundi ay wala ring napag-aalamang side effects para sa mga buntis. Tingnan ang pahingang “Mga gamot na bawal sa buntis” sa Kalusugan.PH upang malaman ang gamot na dapat iwasan. Muli, kung pwede namang hindi uminom, wag ka na lang uminom ng gamot. Karamihan ng ubo’t sipon ay lumilipas ng hindi nangangailangan ng gamutan. At kung ikaw ay nasasagabal ng ubo’t sipon, magpatingin sa doktor upang mabigyan ng reseta na angkop sa iyong sitwasyon.