Ano ang maaaring gamot sa hadhad?

Ano ang maaaring gamot sa hadhad?

Q: doc,,,anu po ba puidi igamot kpag meon kang hadhad at sakit sa balat na dulot ng fungi na hindi kaia ng mga trosyd at canestin?tnx and more power

A: Tingnan ang artikulo tungkol sa hadhad sa Kalusugan.PH. Narito ang heneral na kaalaman tungkol sa hadhad

Hindi ganong kabilis mawala ang fungi na nagdudulot ng hadhad, kaya dapat ang gamutan ay mula 5 hanggang 10 araw. Hindi rin ganung kabilis mawala ang sintomas ng hadhad. Bukod sa gamutan, panatilihing tuyo at hindi basa, pawis, o mabanas ang singit. Iwasan ang pagkamot.

Kung hindi parin nawawala, baka may ibang sanhi ang pangangati at iba pang sintomas, na dapat masuri ng iyong doktor.